Silliest Fear




  
Plurk Account (2009-2010)
  Minsan, napagusapan namin ng mga officemates ko yung 'jeje' days namin. Siguro yung isa sa mga silliest fears ko is yung i-judge ako because of my jeje days. hahaha!! Masayang mag-reminisce sa nakaraan pero nakakahiya din talaga. Although masaya kasi nalalaman ko yung mga similarities namin ng mga colleagues/friends ko, lalo na sa music or kung paano kami gumawa ng mga GM noon or yung mga pinka-unang social media accounts namin. Nakakatawa lang kasi yung iba sa kanila elementary/hi
gh school nung panahon na yun tapos ako high school/college na. Lumalabas na yung totoong edad ko. HAHAHA

GET GET AW!!
Kaya minsan 'tita' na ang tawag nila sa akin. hahaha Kahit noon pa naman, tanggap ko na medyo mas gusto ko talaga yung mga lumang kanta, or anything ata na makaluma. Kaya din siguro ako naging weird and naging outcast noon kasi wala akong kasundo noon. At first, nalulungkot ako kasi wala akong friends nung high school. Pero eventually natanggap ko siya and after that doon ko nahanap yung mga tamang kaibigan para sa akin and tanggap naman nila ako kahit na weird talaga ako. Pero at least nagkakasundo kami.

Sa office naman, masaya ako kasi halos lahat naman nagkakasundo and halos lahat din kasi siguro iisa lang yung generation namin. Medyo nakakatawa lang pag napunta na sa sooooobrang luma na, as in Sexbomb or Jolina levels, lumalabas na yung pagiging jologs ko.

Pero at the end of the day, what I love the most about the people in my circle now is they accept me for who I am. It's just nakakahiya lang kasi din talaga ang mga choices ko noon kaya nakakatakot lang na i-judge nila ako. HAHAHA

Comments

Popular posts from this blog

10/365 Ways to Simplify Your (Work) Life

Dos Mil Diecisiete

DREAM COME TRUE ❤️❤️❤️ (United Kingdom 2017)